LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Glen Sibonga Kasama kami sa mga press na nag-interview kay Bela Padilla sa presscon ng kinabibilangan niyang ABS-CBN primetime teleseryeng My Dear Heart nang una niyang aminin na hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend na si Neil Arce. Hinangaan nga namin si Bela dahil hindi kasi nagre-reflect sa kanya na galing siya sa breakup at naha-handle niya ang problema na hindi siya mukhang apektado. “Thank you, thank you. I would like to think na sa age ko I’m quite mature. So, that’s why siguro we were able to come up with a compromise na parang when it’s work, it’s work. In fact, magkasama kami noong isang araw sa set, okay naman. Wala namang problema,” sabi ni Bela. Mutual decision daw ang breakup nila Neil, na isa ring film producer. Dahil nga nagkakatrabaho pa rin sila, hindi ba sila nagkaroon ng ilangan? “Four years ko na siyang kilala, hindi na ako maiilang sa kanya.” Sa mga nakaraang proyekto kasi nila gaya ng pelikulang Camp Sawi ay naging artistic partners sila na ang kanilang konsepto ay ginawa nilang movie, na kadalasan ay ipino-produce din ni Neil. Tuloy pa rin ba ang partnership na ito? “Tuloy pa rin. Ngayon nagsu-shoot kami ng movie. Okay naman kami pag shooting. I think po doon sa artistic slash creative side, I value his opinion more than anybody else kasi magka-jive kami e, yung utak namin, pagdating sa trabaho, sa pag-iisip ng concept. In fact, nagsu-shoot nga ako ng movie with him under Direk Dan Villegas, yung Luck At First Sight with Jericho Rosales.”
Sa nangyari sa kanila ni Neil, mahirap ba talagang pagsabayin ang lovelife at career? “Hindi naman, hindi naman ganun yung problema e. Ano lang siguro timing. Maybe this is not the right time for me.” Hindi ba niya tuluyang isinasara ang puso niya for possible reconciliation? “Nag-usap na kami e. Actually, ako yung humingi na makipag-usap.” Wala rin daw anumang bad blood sa pagitan nila ni Neil. Posible bang maging magkaibigan pa rin sila? “Honestly, I can see us being friends pa after this. And iyon nga magkatrabaho naman kami and marami pa kaming concepts na ginawa together. So, after ng movie, hindi pa ito yung last, makakatrabaho ko pa rin siya. I mean mayroon kaming ongoing na, parang pa-start na mga projects. So, I’m gonna see him the whole year.” Sa huli may pakiusap pa si Bela. “Guys, be nice to him. Kahit ako na po ang siraan niyo, kahit ako na lang po. Ayoko lang kasing may mabasa siya o ma-feel bad pa siya. Siyempre wala siyang control dito. Ako lang yung nakapag-presscon, side ko lang yung naririnig niyo.” Sa ngayon, pahinga raw muna ang puso ni Bela at naka-focus muna siya sa kanyang trabaho. Bukod sa ginagawa niyang pelikula, busy rin siya ngayon sa taping ng My Dear Heart ng ABS-CBN. Thankful lang siya na pagkatapos ng memorable role niya bilang si Carmen sa FPJ’s Ang Probinsyano, muli siyang binigyan ng malaking proyekto ng Dreamscape Entertainment Television. Sa My Dear Heart ay gumaganap siya bilang si Clara, na nanay ng bida ng serye na si Heart, na ginagampanan naman ng bagong child discovery ng ABS-CBN at Dreamscape na si Nayomi Ramos. Asawa naman ni Bela sa serye si Zanjoe Marudo. Kasama rin nila sa cast sina Coney Reyes, Robert Arevalo, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Eric Quizon, Loisa Andalio, Mark Oblea, Jameson Blake, Sandino Martin, Vic Robinson, at Hyubs Azarcon. Mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin, ang My Dear Heart ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|