By Noel Asinas Nabihag agad ng pinakabagong primetime series ng GMA Network, ang Because of You, ang puso ng mga manonood. Mainit na tinangkilik ang pagsisimula ng programang puno ng kilig at good vibes, maging ang love triangle nina Carla Abellana, Rafael Rosell at Gabby Concepcion. Umarangkada sa TV ratings nationwide ang serye at agad nitong pinataob ang kalabang programa sa Kapamilya. Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement noong Disyembre 8, nakakuha ang Because of You ng 19.2% household rating sa NUTAM kumpara sa katapat nitong programa na On The Wings of Love na nakapagtala ng 18.8%. Bukod sa pamamayagpag sa TV ratings, bumuhos din ang papuri at positibong komento ng Kapuso viewers sa social networking sites para sa serye. Kaya naman lubos ang pasasalamat ng tatlong bida sa suporta at pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang programa. “Maraming salamat sa lahat ng nanonood ng Because of You! Masaya po kaming napapasaya namin kayo, kaya asahan niyong patuloy kaming magbibigay ng good vibes sa inyo bawat gabi!” ani ni Carla na klik na klik sa manonood ang pagpapatawa sa serye. Ikinatuwa rin ni Rafael ang pagiging number 1 ng Because of You sa timeslot nito. “Maraming, maraming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinuhos ninyo sa aming show. We are all happy that you all enjoyed the episodes. Kaya naman mas pagbubutihin pa namin ang aming trabaho para sa lahat ng masugid na tagasubaybay ng Because of You.”
Malaki rin ang pasasalamat ni Gabby sa pagtitiwala ng mga manonood sa kanyang kauna-unahang programa sa GMA 7, “I have everyone to thank for and salamat sa support and blessings. Para sa inyo naman ang lahat ng ginagawa namin. Kaya naman, abangan ninyo ang mga susunod na episodes ng Because of You.” Mapapanood ang Because of You Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Little Nanay sa GMA Telebabad. |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|