LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Pinagtataasan ngayon ng kilay si Ellen Adarna at tinatawag ito ngayong anaconda matapos na umugong ang balitang inagaw ng sexy actress sa isang non-showbiz best friend nito ang kontrobersiyal at instant celebrity na si Baste Duterte. Noong una ay tsismis lang pero nitong huli ay ikinukumpirma ng aming souce na totoong nagkaroon ng “sulutan” sa pagitan ni Ellen at ng kanyang best friend na matagal ding nakarelasyon ni Baste.
Ganito ang kuwento. Noong una daw ay itinatanggi pa ni Ellen na sila ay nagkita at nagkasama ni Baste pero nagulat ang original girlfriend ni Baste nang makita nitong suot ni Ellen ang damit pang itaas ni Baste (sando). Hindi na raw nagsalita pa ang non-showbiz girl at sa halip ay nagpatay malisya ito dahil noon pa naman siya may “hinalang” inaahas ni aktres ang kanyang boyfriend. Tsk…tsk…tsk… Kung sabagay, hindi na bago sa amin ang issue na ganito kay Ellen dahil maging sina Paulo Avelino, Jake Cuenca at Ejay Falcon ay naging “biktima” rin ng diumano’y pagiging ahas ni Ellen. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|