Ito raw ang sinasabing mga dahilan ng ikalawang paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin. Hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na paliwanag ang dalawa sa kung bakit sila naghiwalay. Pero, sinabi ni Luis na hindi naapektuhan ng mga naging kaganapan ang kanilang friendship. Friends pa rin daw silang dalawa. Matagal nang aware ang anak ng Star For All Seasons sa isyung bading diumano siya pero, first time niyang narinig na tinawag na tibo ang ex niya na mariin niyang pinabulaanan at sinabing katulad ng paratang sa kanya ay walang katotohanan at kagagawan lamang ng mga walang magawa. Bahagi lamang daw ang ganitong intriga ng kanilang trabaho na halos lahat ng mga artistang tulad nila ay layong guluhin at pabagsakin kaya dapat na hindi siniseryoso at pinapansin ang ganitong mga isyu.
Ni Veronica Samio |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|