LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas Di naging biro kay Ash Ortega ang pagganap bilang kontrabida sa tambalang Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Alam ba ninyo na kinailangan pang mag-workshop nang husto ni Ash para sa role na ito? Kaya kakaibang Ash ang mapapanood sa susunod na mga episodes ng Wish I May. Pero, kahit na magkaribal sina Ash at Bianca kay Miguel sa istorya, hindi sila magkaaway sa totoong buhay. In fact, noong birthday ni Bianca recently, ay magkasama sila ni Ash. Syempre, andoon si Miguel sa special party na handog ni Bianca sa kanyang mga kaibigan.
Dahil sa pagiging seryoso ni Ash sa kanyang mga showbiz commitments, nakakalimutan na niyang magpunta sa mga party ng mga ka-klase noon. Gusto niyang laging mag-focus sa role na kanyang ginagampanan. Sa susunod na episode ng Wish I May, makikipaghiwalay na si Miguel kay Ash. Sasabihin ng binata na nang nawala si Ash, may special na pagtingin siyang nakita kay Bianca. Simula na ang awayan nina Bianca at Ash sa istorya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|