Aminado si Angelica Panganiban na baliw siya sa pag ibig. Pag umibig daw siya hindi siya nagtitira ng para sa kanya, lahat ibinibigay, oras, panahon at pati na kaluluwa. “Ibang klaseng magmahal ang babaeng iyan. Lahat ng meron sa kanya, ibinibigay niya sa mahal niya kaya at the end of the day talo siya dahil naiiwan siyang luhaan,” sabi ng isang taong malapit kay Angel. Noong mga panahong karelasyon ni Angel si Derek Ramsay, lahat ay ibinigay ni Angel sa actor. At noong sila ay maghiwalay ni Derek ay si Angel pa rin ang gumawa ng paraan upang magkabalikan sila pero paglipas ng taon ay sinuko na rin ni Angel ang kanyang pagmamahal at nakilala naman niya si John Lloyd Cruz.
Hindi tanggap ng pamilya ni John Lloyd si Angel pero sinikap ng dalaga na mapalapit sa angkan ng dating bf. “Lahat ginawa niya para lang mapansin ng pamilya ni John Lloyd. Hindi man siya perpektong tao pero kahit paano nakuha niya ang loob ng ilan sa mga kamag anak ni John Lloyd at hanggang ngayon ay friend pa rin niya ang mga ito.” Ayon sa aming source, never daw nagsalita si Angel laban kay Derek noon na siya ring ginawa nito noong sila pa ni John Lloyd hanggang sa sila ay magkahiwalay. “Makikita mong prangka si Angelica pero hindi siya madaldal para idaldal ang dati niyang minahal at iyon siguro ang dahilan kung bakit bilib si Lloydie sa kanya.” Wala pang balikang nangyayari, pero ayon sa aming source sobrang ikinasisiya na raw ng loob ni Angelica na muli silang nagpapalitan ng text ni John Lloyd ngayon. Kahit sa ganung paraan ay masaya na rin daw ang dalaga dahil ang importante ay muli silang nagkalapit ng binatang minsan niyang minahal sa kanyang buhay. Ni Morly Alinio |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|