LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Hindi si Jessy Mendiola, Maja Salvador, Kim Chiu o si KC Concepcion ang huling Darna. Balik kay Angel Locsin ang nasabing role. Marami rin ang ispekulasyon na posibleng isa kina Sarah Geronimo o Liza Soberano ang hahalili kay Angel Locsin matapos na madiskubreng hindi puwedeng mag-harness si Angel dahil sa lumalala nitong sakit sa likod. Nagkaroon kasi ng mild fracture ang gulugod ni Angel matapos na sunod sunod siyang mag-harness noong mga panahong ginagawa pa niya ang kanyang mga soap opera sa GMA na Mulawin at Darna. Naging mahina ang buto ng dalaga sa likod kung kaya’t madalas ay nakakadama ito ng pananakit ng katawan.
Si Angel na mismo ang nagsabi noon na ayaw na niyang gawin ang Darna dahil may problema siya sa kanyang kalusugan pero matapos ang pagpapagamot sa ibang bansa ay heto’t usap usapan na si Angel na muli ang lilipad bilang Darna sa pelikula ng Star Cinema. Wala pang pag amin mula kay Angel kung siya na ba talaga ang Darna pero mula sa pamunuan ng Dos na aming naka-tsika ay bukod tanging si Angel lang daw ang kinukunsidera nila sa nasabing role dahil bagay umano ito sa dalaga kumpara sa iba nilang stars. “Si Angel lang talaga ang babagay sa Darna. Kanyang kanya lang talaga ang role na ito,” madiing sabi ng aming kausap at nagkumpirmang si Angel daw talaga ang muling lilipad at sisigaw ng “Ding, ang bato!” Pero siguradong hindi sina Jiro Manio at JM de Guzman ang gaganap na Ding kahit sabihin pang sanay silang gumamit ng bato! Hahahahahaha! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|