LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian KAHIT may pinagdaraanan ang kanilang relasyon ngayon ay ipinagtanggol pa rin ni Angel Locsin ang boyfriend na si Luis Manzano. Nitong January, umamin sila pareho ni Luis na hindi pa sila hiwalay pero may pinagdaraanan sila. Sa Instagram account ng aktres ay isang follower ang tumawag kay Luis na 'silahis’. Kung matatandaan sa mga naunang interview, sinabi ni Luis na hindi na bago ang ganitong paninira sa kanya, tulad din sa iba pang aktor na iniintrigang bading. Tahasang sinabi pa ng nasabing netizen na ayaw niya ang TV host-actor para kay Angel. Hindi nagustuhan ni Angel ang comment kaya tinanong niya ang netizen at sinabing ituro ang nag-aakusang bading si Luis. Muli namang sumagot ang netizen at humingi ng paumanhin sa dalaga.
Sabi ng netizen, nababasa lang niya ang tungkol sa isyu na kinukuwestiyon ang sekswalidad ni Luis. “Basta ang opinion ko ayaw ko siya [para] sa ‘yo kasi napakabait mo. Idol na idol kita. Pag nasasaktan ka, nayayamot din ako.” Tinanggap naman ni Angel ang paumanhin ng nasabing netizen, pero pinaalalahanan niya itong huwag magbibitiw ng mga akusasyon kung wala namang basehan. Pagtatanggol pa ng aktres kay Luis: “I won’t tolerate anyone lambasting him on my page… whether we’re together or not. Thank you for understanding po." Bumalik ng Singapore si Angel para sa second operation niya after damaging her spine. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|