LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Tuluyang tinuldukan na nga ni Angel Locsin ang usapin tungkol kay Luis Manzano dahil sa tuwing itatanong dito ang dating boyfriend ay hindi ito nagsasalita at bagkus ay sinasabing change topic na lang. Kung sabagay may dahilan kung bakit ayaw nang pag usapan pa ni Angel ang dating katipan dahil una at higit sa lahat ay walang dahilan para pag ukulan pa niya ng panahon ang dating boyfriend lalo pa at matagal na silang wala nito. Kung noon ay umaasa pa si Angel na posibleng magkabalikan sila ni Luis, ngayon ay hinding hindi na. Ginawa na lahat ni Angel pero wala pa rin, alangan namang hindi siya mag move on.
Naging sobrang masakit daw kay Angel ang pagtanggap na wala na talaga sila ni Luis at imposible na silang magkabalikan at ayaw daw parusahan ni aktres ang sarili at paasahing magkakabalikan pa sila ni Luis gayung napaka imposible naman. Since maghiwalay sina Luis at Angel ay hindi na nabakante ang aktres sa work dahil dito niya ibinubuhos ang panahong dapat sana ay ibibigay niya sa dating kasintahan. Huh! Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|