Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


​ANDI EIGENMANN MASAYA SA NON-SHOWBIZ BOYRIEND

12/2/2015

Comments

 
By Morly Alinio
Sa presscon ng pelikulang Angela Markado ay nakausap namin si Andi Eigenman at mariin niyang inamin na totoong itinatanggi na niya ngayon na si Albie Casino ang ama ng kanyang anak.
Ayon kay Andi mas makabubuting huwag nang magamit pa siya sa mga issue ni Albie dahil naaawa na siya sa kanyang anak. At hindi na rin importante sa aktres ang ginagawang paghahamon ni Albie na ipa-DNA test si Elie dahil ang importante ay maraming nagmamahal sa 4-year old baby ni Andi.
Picture
Inamin ni Andi na mas makabubuting inako na ng bago niyang non-showbiz boyfriend ang pagmamahal at paglingap ng isang ama na maibibigay sa isang anak dahil hindi man perpektong tao ang bagong boyfriend ay nakakatiyak umano siyang mahal ng bf silang mag ina. "He is not in showbiz at masaya ako sa kanya," pag amin ng aktres na punong puno ng kasiyahan noong mga oras na iyon nang siya ay aming nakausap.
Sinabi ni Andi na mas magaan ang feeling niya ngayon dahil  nakakakilos siya nang maayos dahil hindi na masyadong maintriga ang kanyang lovelife na sa tagal tagal daw ng panahon ay nakakasawa na ring pag usapan. "As much as possible kung maaari ang gusto ko ay ako lang ang pag uusapan at hindi na dapat pang masangkot ang mga taong mahal ko na wala namang kinalaman sa showbiz."
Samantala, inamin ni Andi na masyado siyang nahirapan sa pelikulang Angela Markado dahil masyadong naging makatotohanan ang pagganap niya dito lalo na sa rape scene na kung saan ay sabay sabay siyang nilapastangan ng 
kanyang mga rapists na sina Paolo Contis, Polo Ravales, Epi Quizon, Felix Rocco at ang binatang anak nina Carlo J. Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas.
Ayon kay Andi totoong nahirapan siya at nagkapasa pasa ang mga parte ng kanyang katawan pero hindi raw siya nagalit dahil ramdam naman daw niya na wala namang nag take advantage sa limang lalake. "Siyempre ako ang may katawan kaya alam ko kung may hahawak sa katawan ko na hindi kasama sa eksena at so far lahat naman sila ay mababait."
Inaasahan na ang Angela Markado ang maghahatid kay Andi ng best actress trophy dahil naging makatotohanan ang pagganap niya dito. Pero ang tanong, higitan kaya ni Andi ang popularidad at kinita noon ng Angela Markado na pinagbidahan ni Hilda Koronel?
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    August 2021
    July 2021
    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved