LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas MASAYANG ipinahayag ni Liza Soberano sa launching ng Titus Pens, Crayons and Pencils na aprubado ng kanyang ama ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Kaya lang hindi pa alam ni Liza kung kailan siya sasali. Marami pa kasi siyang pinagkakaabalahang big projects sa showbiz. Lalo pa ngayon na balitang nag-hit ang latest movie nila ni Enrique Gil sa Star Cinema, ang My Ex And Why? Bukod sa pelikula, laging nagkakaroon ng soap si Liza sa ABS-CBN 2. Maraming hukbo ng tagahanga si Liza. Nakita ito sa dami na pumuntang fans sa Activity Center ng Trinoma nung nakaraang Friday. Sadyang inantay ng mga fans si Liza sa whole day meet and greet affair ng Titus pen. Kaya naman talagang dinumog siya, lalo na ng mga kabataang artists. Sa event dumating ang mga young aspiring artists para ipamalas ang kanilang naiibang talent sa all out art festival na may iba’t ibang categories. Kabilang dito ang artistry through calligraphy, poster making, Manga art and doodling. Titus Pens partnered with National Book Store para sa kanilang new product extensions, namely the Titus Crayons at Titus Colored Pencils na may exciting and vivacious colors.
Imbitado sa event ang iba’t ibang schools at universities para maipakita nila ang kanilang best output at the Titus Pens Ink-redible Manila 2017 (National Doodling Day Edition). Ang mga participants ay nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng mga tips at tricks mula sa mga credible art masters, na nag-facilitate sa different genres ng workshops of Ballpen Calligraphy, Doodling, Manga Art and Poster Making. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|