Ni Glen Sibonga Masayang ibinalita ni Aiza Seguerra na posibleng ngayong taon na nila ituloy ng asawa niyang si Liza Diño ang pagkakaroon nila ng anak. Magandang pagkakataon daw ito lalo na nga’t unti-unti na silang nakababawi mula sa dinanas na hirap at financial problem noong isang taon dahil sa pagkawala ng ilang trabaho. ![]() “Yes, towards the end of the year siguro, hopefully. Pero siyempre kailangan ding pag-ipunan. Pero more than that siguro happy lang kami na medyo mas maluwag na in terms of finances, tapos eto I’m blessed with work, I have Born To Be A Star, I have Princess In The Palace also. My album is doing good naman with Universal (Records),” sabi ni Aiza. Anong procedure ang gagawin nila ni Liza para magkaroon ng anak? “We’re planning to do IVF, In Vitro Fertilization. So, ang mangyayari is we have to be there in the States siguro mga two months dahil ang mangyayari is I have to… sa akin kasi manggagaling yung egg. So, yung eggs ko kailangan pare-pareho sila ng laki para pag gather nila ng eggs pantay-pantay. And then, they will store it, they will freeze it. And by the time… siyempre by then mayroon na rin kaming donor (for the sperm), by the time ready na (yung egg). So, this is the egg, this is the sperm, iaano nila until it becomes an embryo, and then ipapasok nila kay Liza.” Nagdesisyon ba talaga si Aiza na sariling eggs niya ang ipapasok kay Liza upang magkaroon siya ng “contribution” sa magiging anak nila? Siyempre iisipin ng mga tao na bakit hindi na lang eggs mismo ni Liza ang gamitin? “Yes, of course, I really wanna have my own. Talagang masasabi kong flesh and blood ko. And at the same time suwerte rin dahil Liza will carry, parang it’s shared responsibility na it’s ours talaga.” Pwede ba nilang piliin ang sperm donor? “Yes, we really have to choose. Siyempre gusto naming malaman. Ang maganda rin sa mga cryobank (sperm bank) kumpleto sila, as in ipapakita nila sa iyo yung psychological profile nito, anong hitsura, anong race niya. Of course, ako, I want someone who’s very artistic also, di ba? Parang hindi yata bagay sa akin kung magkakaroon ako ng anak na magiging mathematician, alam mo yun, hindi ko siya matutulungan sa growth niya,” biro ni Aiza. “So, yun ang mga factors na kino-consider namin.” |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|