LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mildred Bacud Lalong gumanda si Aiko Melendez ngayon matapos mabawasan ng 49lbs na timbang. Kaya naman biro sa kanya sa presscon ng The Story Of Us ay very much in love ito ngayon sa bago niyang inspirasyon. Paglilinaw naman ng aktres na gumaganap bilang kinalakihang ina ni Kim Chiu sa nasabing serye, “Wala pa akong boyfriend. Exclusively dating pa lang but no commitment yet. Since nung na-renew ko yung relationship ko kay God, gusto ko munang maging sentro ng buhay ko Siya at hayaan kung ano ang plano niya sa akin. Hindi naman sa natatakot ako. Ayoko lang magmadali.” Long distance relationship ang siste ng love story ni Aiko kaya naman daw tinitimbang niya muna ang lahat. Pero ni-reveal niya na may usapan pala sila ng dating asawa na si Jomari Yllana. “Sabi namin two to three years na single siya at single ako, baka nga we’re destined to be together again and we will try. Gusto naman ng parehong families namin. Posible talaga na in the end maging kami.”
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|