Kumpirmadong gusto nang muling humarap sa dambana ni AiAi delas Alas dahil feeling nito ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay sa katauhan ni Gerard Sibayan. Kung si Gerard ang tatanungin anytime ay gusto na niyang pakasalan si AiAi pero ang aktres daw mismo ang umaayaw dahil mas gusto nitong tapusin muna ang pinagagawang simbahan at dun sila ikakasal ng lalaking mahal. Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si AiAi at inamin niya sa amin na totoong isa siya sa mga tumutulong na maipatayo ang simbahan pero medyo malayo pa raw sa hinagap niya ang magpakasal lalo pa at marami siyang showbiz commitments pero hindi itinatanggi ng aktres na kahit paano ay gusto niya talagang makapag suot ng wedding gown dahil lahat ng mga babae ay iyon naman ang pangarap. Wala nang mahihiling pa si AiAi sa takbo ng kanyang showbiz career at ganun din sa personal niyang buhay. “Sobrang saya ko na may dapat pa ba akong hilingin kay God samantalang sobra sobrang blessing na itong ibinibigay niya sa akin?”
Sa kabilang banda ayaw pag usapan ni AiAi ang paglipat ni Kris Aquino sa GMA dahil kung matatandaan ay nagkasama noon sina AiAi at Kris sa Dos pero ngayong nasa GMA na ang aktres ay posibleng magkasama sila sa ilang project. Ngiti lang ang sagot ni AiAi sa tuwing may magtatanong sa kanya kung willing ba siyang makasama si Kris sa anumang programa na possible niyang gawin. Alam naman kasi ng lahat na hindi in good terms sina AiAi at Kris nang kung ilang taon at nagkabati man sila ay parang malamig naman ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa, in short plastikan lang. Ayon sa isang insider ng GMA ay may isang project daw na posibleng magkasama sina AiAi at Kris at ito ay hindi maiiwasan. Well, ang tanong, sino kaya kina Kris at AiAi ang unang tatanggap o aayaw sa nasabing project? ‘Yan ang ating abangan. Ni Morly Alinio |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|