LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas MABIGAT ang role ni Rhian Ramos sa pagganap niya bilang si Clara sa papatapos na Sinungaling Mong Puso sa GMA 7 afternoon primetime soap. Nasabi ng actress na isa ito sa most challenging role niya, bukod sa Stairway to Heaven na grabeng drama rin ang kanyang ginawa. Ani Rhian, “Pagkatapos ng Sinungaling Mong Puso, pahinga muna ako dahil gusto kong mag-“detox” ng character ko. Alam mo minsan sa kuwarto ko ay iyak ako nang iyak, hanggang sa bahay ay nadadala ko ang character kong si Clara. Mabigat talaga ang role na talagang na-internalize ko ang character. Sa tingin ko minsan, ako si Clara at hindi si Rhian. Kaya magbabakasyon muna ako bago tumanggap ng ganitong katinding character muli.”
Natutuwa si Rhian bilang si Clara sa Sinungaling Mong Puso dahil sa pag-ikot niya sa malls ay tinatawag na siyang si Clara. Tapos, kinakausap pa siya para kaawaaan dahil sa pagpapahirap sa kanya ni Roman (Rafael Rosell). Ayon pa kay Rhian, para lang mabago ang pagkatao niya pagkatapos ng taping, kinakailangan pa niyang magkaroon ng outlet ng lahat ng galit niya sa character na ginagampanan niya. Regular siyang participant sa Minica Driving Race sa Subic. Nagpapatakbo siya nang mabilis pero maingat sa race track para maiwasang mabangga ang kotse. Pagkatapos ng race, para bang super relaxed siya at may bagong energy sa mahihirap na drama scenes. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|