Mas matured at handa na daw sa maseselang eksena ang dalawa sa itinuturing na mahusay na teen actor at actress sa bansa, kung acting ang pag uusapan, na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa kanilang bagong teleserye sa Kapuso Network na may working title na, "Anything For You". Kung saan makikipagtagisan sila ng galing sa pag arte sa maituturing na ring mga beterana at mahuhusay na mga aktres na sina former Regal baby Snooky Serna at former Viva star Eula Valdez.
Masaya nga ang teen actor na si Kristoffer dahil mag iisang taon na halos na wala siyang teleserye. Kaya naman hindi nito maitago ang kasiyahan dahil nabigyan siya muli ng bagong serye ng kanyang home studio. Ni John Fontanilla |
New Placenta Soaps
Archives
August 2021
Categories
All
|