LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Mas pinili si Luis ng network? Angel Locsin, nawala bilang hurado ng Pilipinas Got Talent?9/21/2017 Ni Veronica Samio Aarangkada na ang bagong season ng Pilipinas Got Talent. Magkatulong itong hino-host nina Luis Manzano at Billy Crawford. Apat naman ang bumubuo ng lupon ng hurado nito na binubuo ng isang bossing ng ABS CBN na si FMG, Vice Ganda, Robin Padilla at Angel Locsin. Pero, baka hindi na masilayan ang magandang mukha ni Angel. Balita na mapapalitan na ito ng isang bagong judge para lamang mapanatili bilang host si Luis ng show. Umayaw daw sa kanyang trabaho ang anak ng Star For all Seasons dahil tumanggi siyang makasama ang aktres na napapanood namang muli sa La Luna Sangre gayong namatay na ang character nitong si Lia sa mga unang episodes ng series. Hinala nga ng marami na sa pagbabalik ni Angel sa LLS ay kapalit ng pagkawala niya sa PGT.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
|