Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE

Di lang pinuno ang Phil Arena, AlDub nation nag Twitter & viewing party pa.....  ALDUB NATION DOES IT AGAIN!!!

10/26/2015

Comments

 
By Mylene Santos
​Dumating na nga ang tamang panahon para sa AlDub tandem na sinalubong naman ng dagundong ng libo-lubong mga tagahanga nila sa largest indoor stadium, ang Philippine Arena noong Sabado.
Bago ang Saturday big show, nauna nang inanunsiyo ng Eat Bulaga na hindi libre ang pagtatanghal.
Picture
 Sa kabila nito, ilang oras lamang matapos ang anunsiyo ni Lola Nidora on air, nagsimula nang dumagsa ang mga bumibili ng tickets. Matatandaan ding kinabukasan ay naglabas ng statement ang TicketWorld na nagsabing sa unang pagkakataon ay na-break ng EB's Tamang Panahon ang first day ticket sales nila. Nag crash din ang system nila dahil maging sa online ticket purchases ay napakataas ng naitalang demand.
10am nagsimula ang front act ng EB ngunit sinimulan lamang ang live telecast nito bandang 11:30am. Pero bago pa magsimula ay makikita na sa mga social media sites ang kapal ng taong nakuntento na lamang sa panonood sa labas ng Philippine Arena.
Picture
Picture
Sa kalagitnaan ng show, nagpasalamat si Lola Nidora dahil sa napuno ng AlDub nation ang venue at nakalikom ang Kalyeserye ng higit sa 14 milyong piso na buong-buong ilalaan sa pagpapagawa ng  mga AlDub libraries para sa benepisyo na rin ng mga kabataang Pinoy mula Batanes hanggang Jolo. Maglalaan din daw ng pondo para sa mga nasalanta ng Bagyong Lando higit lalo sa Northern Luzon.
Walang ibinidang celebrity guests ang EB maliban sa mga Dabarkads pero nasilayan during the show ang ilang mang aawit na kumanta ng kapirasong kilig songs tulad ni Joey Generoso ng Side A at sa bandang huli ay kumanta din sina Tito Sotto, Bossing Vic, at Joey de Leon.
Nakakatuwang kahit ang mga nasa probinsya tulad ng Cebu, Pangasaninan, at Davao ay nagsagawa ng viewing parties. Sa isang lugar nagsasama-sama ang mga magkakapit-bahay para i-enjoy ang non-stop kilig moments ng EB.

Bilang pasasalamat ng EB, sinorpresa naman nila ang mga manood o TeamBahay pati na rin ang audience o TeamArena nang inanunsiyo nilang 'non-stop' as in 'no commercial interruption' ang kabuuan ng pagtatanghal nila.
Sa unang pagkakataon, nai-share sa AlDub nation ang personal na buhay ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay. Malayo na nga ang narating nito mula nang napagkatuwaan lamang niya minsan na mag dubsmash at in-upload sa Youtube na nag ani agad ng isang milyong views sa loob ng sandaling panahon lamang.
Hindi naman nagpahuli ang mga lolas Nidora, Tidora, at Tinidora sa kakwelahan at maging mga tsikiting na sina Baste at Ryzza Mae Dizon. May production number din sina Pauleen Luna, HBD Patricia at Julia Clarete bilang mga younger versions ng mga lolas.
Dalawang oras ng live telecast saka pa lamang nasilayan si Maine Mendoza at sinundan ng madramang entrance ni Alden Richards. Dito talagang dumagundong ang 55,000 filled capacity ng Philippine Arena lalo na nang naghawak kamay at nagkayakapan ang AlDub. Di rin syempre nawala ang pag awit ni Alden kasama si Maine ng God Gave Me You na kantang sumikat pa lalo dahil sa Kalyeserye. 
Animo'y matatapos na ang show dahil nagpaluha pang nagpasalamat sina Alden at Maine sabay pasok ng karakter ni Jose Manalo bilang si Frankie Arinolli. Habang sumasayaw, kita sa kasuotan ni Frankie ang mga logo ng major sponsors ng show at ng AlDub.
Syempre pa sa pagtatapos ng pagtatanghal sabay sabay nagpasalamat sina Tito, Vic, at Joey at buong Dabarkads sa lahat ng nanood at tumangkilik sa EB's Tamang Panahon. As of 2:50pm at patapos pa lamang ang show noong Sabado, higit sa 23.1 million tweets ang naitala nito at inaasahang lolobo pa para higitan ang record breaking 25.6 million tweets noong dumalaw kay Maine sa mansion si Alden.
Picture
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Comments

    Archives

    October 2017
    September 2017
    May 2017
    April 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015
    September 2015
    March 2015

    RSS Feed

    RSS Feed Widget
    RSS Feed Widget
ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved