Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE

DANIEL PADILLA-KATHRYN BERNARDO, umamin na mahal na nila ang isa't isa

2/10/2016

Comments

 
Ni Lourdes Fabian
​​PAREHONG emotional sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang matanong kung ano ang mga hindi nila malilimutang eksena at memories sa nalalapit na pagtatapos ng Pangako Sa 'Yo" sa ginanap na thanksgiving press conference ng soap na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
Picture
Sa matagal na pagsasama nila ni Daniel bilang magka-love team, malaki ang pasasalamat ni Kathryn dahil nakita niyang nag-mature silang dalawa nang magkasama. Sa nasabing teleserye nabuo ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa.
Wala pa naman silang diretsang inaamin na sila na pero malaki ang pasasalamat ni Kathryn na naging parte ng buhay niya ang ka-love team at rumored boyfriend na si Daniel. Ang maganda sa kanila ngayon ay mas nagiging expressive na sila sa kanilang feelings kung ikukumpara sa mga naging interbyu nila noon. Si Daniel nga ay very honest sa kanyang nadarama para sa ka-love team na sabi nga niya ay mahal na niya. At maging si Kathryn ay umamin din na mahal na niya ang kapareha.
“Basta usapan namin ni DJ (palayaw ni Daniel), on or off-cam, importante iyong ipapakita namin sa kanila kung ano talaga. Kung ano iyong nakikita niyo ngayon, iyun na ‘yon. Grabe iyong care namin sa isa’t isa, sobrang importante, malaking parte na kami ng isa’t isa. Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo maipaghihiwalay.
“Tinanggap ko siya as Daniel at tinanggap niya kung sino talaga ako. At natupad yung pangako na yun kasi na-realize ko nag-grow kami together kaya yun ang importante.”
Sa ngayon, wala naman daw objection ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa namamagitan sa dalaga at sa kapareha. In fact, madalas nga ay kasama nila ito sa kanilang mga lakad.
Pangako ni Direk Dado Lumibao ay marami pang pasabog na mapapanood kaya huwag bibitaw hanggang sa finale episode ng Pangako sa February 12, 2016.
Ni Lourdes Fabian
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Comments

    Archives

    October 2017
    September 2017
    May 2017
    April 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015
    September 2015
    March 2015

    RSS Feed

    RSS Feed Widget
    RSS Feed Widget
ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved