Hindi na daw muling magpo-pose sa men’s magazine ang actress/host na si Jennylyn Mercado. Feeling daw nito ay nagawa na niya ang dapat niyang gawin para maging pabalat ng isang sexy magazine.
Kumbaga, graduate na daw ito sa pagpapa-sexy sa kanyang mga magazine covers at mas gusto na lang daw nitong mag focus sa kanyang hosting, acting at singing career. First time sigurong magkaro'n ng nominasyon ng isang local show at isa ring artista natin sa international Emmy Awards na kumikilala sa mga palabas at artsta sa buong mundo. Dalawa ang napiling nominado sa gaganaping awards night sa susunod na buwan. Ito ang Bridges of Love nina Jericho Rosales, Maja Salvador at Paulo Avelino at Jodi Santamaria para naman sa Pangako Sa 'Yo .
|