Hataw ang career ngayon ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon. Bukod sa pagiging celebrity endorser ng New Placenta For Men, abala siya sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.
Kagagaling lang ni Ejay sa Europe, partikular sa Netherlands, kung saan nag-taping sila nina Ritz Azul at Paulo Avelino para sa kanilang pinagbibidahang upcoming ABS-CBN teleseryeng The Promise of Forever mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television. Kasalukuyan namang ipinapalabas sa mga sinehan nationwide ang pelikulang Magtanggol sa ilalim ng Felix and Bert Film Productions at sa direksyon ni Sigfreid Barros Sanchez. Proud nga si Ejay na napasama siya sa cast ng Magtanggol, kung saan isa siya sa mga bida. TWO weeks ago lang ay nakita sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkasama for some water adventure in Maldives sa Beehive Hotel sa Conrad Maldives Rangali Island luxury resort kung saan nakunan sila ng larawan at ipinost sa Instagram. Sa Maldives nila napiling i-celebrate ang kanilang kaarawan. Dennis, just turned 35 last May 12, and Jennylyn, turned 29 last May 15.
Isa si Vice Ganda sa mga nakatulong sa kandidatura ni President-elect Rodrigo Duterte. Aminin natin sa hindi, malaki ang naiambag ni Vice kay DU30 lalo na noong mga panahon ng kampanya dahil lagi niya itong bukambibig.
Kahit sabihin pang marami ang naiimbiyerna kay Vice dahil sa pagiging totoo nito ay mas marami pa rin ang kabig sa comedy actor dahil bukod sa may sense ang kanyang pagpapatawa ay masasalamin mo sa mga sinasabi niya ang totoong kulay ng buhay at pamumuhay ng isang Pinoy. Hind lamang pagiging bida sa Ang Probinsyano ang pinagkakaabalahan ni Coco Martin. Kasali na rin siya sa bumubuo ng produksyon at kabilang sa creative na siyang nagiisip ng mga kuwento na ginagamit sa serye.
|