Humingi ng paumanhin si James Reid sa mga fans nila ni Nadine Lustre sa California na nagbayad para lamang makadalo sa lunch meet-and-greet with the fans. May aberya kasing nangyari kaya’t hindi nakadalo sina James at Nadine.
Pero, ayon na rin sa pahayag ni James, wala silang kasalanan sa aberya dahil hindi naman daw nila alam na may naka-schedule na meet-and-greet. Ayon din sa opisyal na pahayag ng Viva, hindi bahagi ng usapan with the Always JaDine: US Tour 2017 producer Elaine Crisostomo ang nasabing event. Nauna nang pinabulaanan ni Nadine ang akusasyon ng producer. |