Ni Favatinni San MASUSUBOK natin ang galing ng isang manghuhula kung magkakatotoo ang sinabi niyang magbubuntis at manganganak din ngayong Year of the Monkey si Pauleen Luna. Susme naman, e, okey lang mabuntis siya, kasal siya kay Bossing Vic. Sa true lang marami ang nasasabik sa kanyang pagbubuntis. Samantala, balik-Eat Bulaga na si Bossing Vic mula sa kanilang Maldives honeymoon ni Poleng. Si Tito Sotto naman ang pansamantalang nagpaalam para harapin nito ang kampanya for his reelection bilang senador. Balik kay Poleng, nasa kanya lang daw kung kailan niya gustong bumalik nang permanente sa EB dahil welcome siya anytime. For now kasi, mas feel ni Poleng na nasa bahay nila ni Bossing Vic para ayusin ang kanilang tirahan, ipaghanda ng pagkain si Bossing Vic at para personal na asikasuhin ang lahat ng gagamitin ng kanyang mister.
Ni Favatinni San |
Archives
March 2022
Categories
All
|