Ni Noel Asinas GINAWANG world-class beauty contest ang taunang Miss Mandaluyong 2016 ng chairperson ng pageant na si Mrs. Menchie Abalos, ang butihing First Lady ng Mandaluyong City, ang kabiyak ni Mayor Benhur Abalos. Lahat ng kandidata ay puede mo nang isali sa Miss World Philippines o Bb Pilipinas. Talented lahat at magaling silang mag-express ng kanilang sarili in the English language. Mabilis ang presentation at may malaking LED screen sa stage na katulad ng ginamit sa nakaraang Miss Universe.
Ang chairman ng judges ay si Jonas Gaffud. Si Jonas ang nag-alaga kina Pia Alonzo Wurztbach at Meagan Young, latest grand prize winners ng Pilipinas sa Miss Universe at Miss World. Bale ika-17 taon na ng Miss Mandaluyong, na inaabangan ng lahat ng Mandaleno dahil nakikita ng kanilang mga kababayan ang natatangi at naggagandang kababaihan na rumarampa kasama ang kanilang barangay captain on stage. 31 candidates ang sumali galing sa 27 barangays sa Mandaluyong City. Tumataginting na P200,000 cash ang premyo sa Miss Mandaluyong title. Samantala, ang mga thank-you girls ay mag uuwi ng P10,000 cash bawat isa. Ang first runner-up ay tatanggap ng P100,000, ang second runner-up ay P75,000 at ang third runner-up ay makakakuha ng P50,000 at ang fourth runner-up ay may P30,000. Ang tinanghal na Miss Mandaluyong 2016 ay si Julee Anne Mae Cabrera mula sa Barangay Hulo. Run away winner siya dahil siya rin ang nag-uwi ng Best in Talent, Best in Swimsuit at Best in Gown. Runners-up sina Henna Santos ng Brgy. New Zaniga, Marie Sherry Ann Tormes ng Brgy. Buwayang Bato, Cassey Anne Austria ng Brgy. Burol, at si Geri Francesca Camargo. Ni Noel Asinas |
Archives
March 2022
Categories
All
|