By Mylene Santos 25 Mayo 2017, Maynila - Kiwi-Pinoy Laurence Mossman, isa sa mga umuusbong na pangalan sa larangan ng entablado bilang singer at actor, at kinikilalang top talent ng CREWorks Asia, ay muli na namang magniningning sa “Kinky Boots,” isang Grammy Award-winning play na mapapanood na simula Hunyo 30, 2017 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City. Makakasama ni Laurence ang tanyag na acoustic balladeer na si Nyoy Volante, na gaganap sa role bilang si ‘Lola’, isang cross-dressing cabaret performer. Ang “Kinky Boots” ay nagwagi na ng anim na Tony Awards, kabilang ang Best Musical at musical score by Cyndi Lauper. Base sa libro ng four-time Tony winner na si Harvey Fierstein, ang “Kinky Boots” ay iikot sa istorya ni Charlie Price, na gagampanan ni Laurence. Mamanahin ni Charlie ang naghihingalong shoe factory business ng kanyang ama. Para maisalba ito, makakahanap siya ng inspirasyon kay Lola.
Dalawang taon pa lamang na namamalagi si Laurence sa Pilipinas. Bago sumabak sa malalaking stage musicals tulad ng “Bituing Walang Ningning” at “Fun Home” kunsaan nakasama niya ang Tony Awardee at world class theater performer na si Lea Salonga, nakilala na si Laurence sa ABS-CBN telenovela nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang “Dolce Amore”. Nakasama rin si Laurence sa mga pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend” at “Die Beautiful” at miyembro ng PRIMO, ang all-male singing group na regular na napapanood sa Resorts World Manila. Brand ambassador din si Laurence ng Psalmstre’s New Placenta for Men at aktibong kasama sa #FreeHugs campaign, ang longest-running promotional tour ng nasabing produkto. Mula sa Atlantis Theatrical Entertainment Group (ATEG), ang hilarious musical na “Kinky Boots” ay paniguradong magbibigay daan sa kina Laurence at Nyoy para maipakita pa nang husto ang kanilang de-kalidad na akting at pag awit sa stage. Para sa inquiries at ticket reservations, tumawag sa Ticketworld at (632) 891-9999 o mag-check online sa www.ticketworld.com.ph. |
Archives
March 2022
Categories
All
|