Kasama ang Showbiz Sosyal sa naimbitahan noong November 10, 2015 sa GMA Network Annex Studio 6 para sa Grand Press Conference ng bagong aabangang teleserye ng GMA 7, ang "Little Nanay". Ang "Little Nanay" ay tungkol sa isang inang mentally disabled na pinagbibidahan ni Kris Bernal kasama ang mga beteranong artista kagaya nina Bembol Roco, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, Eddie Garcia at ang Superstar Nora Aunor na super excited gumanap bilang Lola ni Tinay (Kris Bernal).
Naging emosyonal ang aktres na si Kris Bernal sapagkat sobrang nahirapan daw siya sa kanyang karakter dito. “Kinakabahan po talaga ako.. Syempre ‘di ko po akalain na makakatrabaho ko sina Miss Nora Aunor saka sa totoo lang yung pinagdaanan ko po dito sa show kumbaga nakailang screen test po ako, na sinubukan ko talaga kung kaya ko ba talaga gawin yung role ni Little Nanay,” saad ng aktres. Dagdag pa dito ang sobra niyang pagkakaba na baka bawiin sa kanya yung show kasi baka hindi niya nagagawa ito nang maayos. Kaya sobra siyang thankful dahil at the end hindi binawi sa kanya ang role at ngayon ay malapit na itong ipalabas. Ibinahagi pa ng multi-awarded actor na si Ricky Davao (director ng Little Nanay) ang ginawa nilang pagaaral sa mga mentally challenged persons kagaya ni Tinay upang mas maging effective ito sa mga manononood. Mapapanood rin natin sa palabas na ito sina Chlaui Malayao, Mark Herras, Juancho Trivino, Keempee de Leon, Hiro Peralta, Wynwyn Marquez, Rafa Siguion-Reyna, Jinri Park, Paolo Contis at Renz Fernandez. Mapapanood na ang Little Nanay simula ngayong Lunes, 9:15pm pagkatapos ng Beautiful Strangers sa GMA Telebabad. |
Archives
March 2022
Categories
All
|