Ni AJ CORTEZ Tatlong serye ng birthday charity event ang ibinahagi ni Mr. Jaime V. Acosta, founder at CEO ng Psalmstre Enterprises, Inc., isang linggo bago ang kanyang aktwal na kaarawan. Ang unang serye ay ang pagpapasaya sa mga babaeng bilanggo ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City noong Enero 24, 2017. Nagpamahagi ng soap samples at gift packs ang mga empleyado ng Psalmstre bukod sa mga pagkaing ipinadala ni Mr Acosta para mapagsaluhan ng mga nabiyayaang mga indibidwal ng C.I.W. Naghatid naman ng saya at ngiti sa mga labi ng mga mamamayan ng Barangay Mahabang Layon sa Sinag-Tala Quezon City ang mga gift packs, soap samples at pagkaing ipinadala ni Mr Acosta sa pamamagitan ng kanyang mga staff at personnel noong Enero 25, 2017. Mahigit tatlong daang indibidwal ang buong pusong tinanggap ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng big boss ng New Placenta by Psalmstre.
Ang ikatlong yugto ng birthday charity event ni Mr. Acosta ay naganap naman noong Enero 26, 2017, kungsaan isang feeding program din ang idinaos sa Barangay 162 sa may Sta. Mesa, Manila. Nasa dalawang daang kabataan ang hinatiran ng Psalmstre Family ng pagkain, soap samples at give-aways na ikinatuwa ng mga residente ng naturang komunidad. Naging super espesyal ang ikatlong yugto ng birthday charity event na ito sapagkat sa kabila ng hectic schedule ni Mr. Acosta ay naisakatuparan pa din niya ang makapunta sa nasabing barangay para personal na makita at maibahagi ang mga biyayang kanyang natatamo sa komunidad na malapit sa kanyang puso. Naging highlight din dito ang picture-taking moments ni Mr. Acosta kasama ang mga kabataan ng Barangay 162 sa Maynila. Lalong nakapagpataba sa puso ni Mr. Acosta ang sabayang-awit ng “Happy Birthday Song” na ipinasalubong sa kanyang pagdating sa venue ng mga kabataan ng Barangay 162. Bukod dito, nagsilbing bonding moments din ni Mr. Acosta ang nasabing okasyon kasama ang mga opisyal ng Barangay 162 sa Sta. Mesa, Manila sa pangunguna ng kanilang Barangay Chairman na si Hon. Ding Racio B. Nadoy. Sa Sta. Mesa, Manila nakatayo at matatagpuan ang head office ng Psalmstre Enterprises, Inc. Samantala, noong Enero 30, 2017, Lunes, ang birthday celebration ni Mr. Acosta na ginanap sa clubhouse ng Palladium, isang exclusive subdivision sa Mandaluyong City. Ang nasabing salu-salo ay dinaluhan ng mga kliyente ng Psalmstre, mga empleyado, kamag-anak at mga malalapit na kaibigan ni Mr. Acosta. |
Archives
March 2022
Categories
All
|