Ni Favatinni San SA isang umpukan, naging paksa ang ilong ng sikat na artista. Matalino ang discoverer niya, pinaghandaan ang pag-aartista kasama na ang baguhin ang kanyang personalidad. Puhunan ang kabuuan lalo na ang parte ng mukha. Since may smiling face siya, dapat bagayan ng matangos na ilong. E, malaki nga naman ang nagawa sa kanya. Nang umentra siya sa syobis, iba ang appeal niya sa telebisyon, gabi-gabi siyang napapanood. Hindi rin siya apektado sa kanyang speech defect. Sumabat ang isang gay writer, "Naku, di mo ba alam na retoke ang long-i as in "nose job." Sus, nuong nagsimula siyang pa-extra extra sa weekly TV series ay pango siya, no!" Nuong madiskubre siya, pinaayos ang kanyang ngipin at ilong ng kanyang gay talent manager. Presto, nailunsad siya bilang bida sa pelikula at marami ang nagwapuhan sa kanya. Keber kung bonsai siya, aba, marami ang humanga sa kanyang pag-arte at wala rin siyang kiyeme nuon sa paggawa ng mga sexy films. Kaya payo sa mga artista na nagsisimula pa lang sa syobis ay dapat nakahulma na ang inyong ganda. Sa true lang maraming artista ang nagparetoke as in produkto ng salamat po doktor pero iilan lang ang umamin. So what kung retokada nga naman....artista sila as in maarte sa katawan at dapat banidoso, period!.
|