Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions

GUWAPONG AKTOR, HINDI SARILING BINTE ANG GINAMIT SA KANYANG COMMERCIAL

9/26/2016

Comments

 
​​May isang commercial model na hindi pa ganun kalaki ang pangalan sa mundo ng rampahan ang kinuha ng isang malaking kumpanya. Hindi alam ni actor kung para saang produkto ang gagawin niya dahil ang pinirmahan niyang kontrata ay katawan lang niya ang gagamitin sa nasabing produkto.
​Ten thousand pesos ang talent fee ni ramp model pero bale six thousand na lang ang malinis na napunta sa kanya dahil sa kaltas ng kanyang manager at dun sa taong nag endorse sa kanya.
Almost one day shooting din ang ginawa ni ramp model na kung saan ay puro lower back niya lang ang kinukunan na ok lang din naman kasi iyon naman ang usapan pero ang kinaloka niya ay nang mapanood niya ang ginawa niyang commercial, ang kanyang binte at hita ay ginamit para sa isang commercial na ang endorser ay isang kilalang youngstar.
Chicken legs pala si guwapitong sikat na actor, meaning, hindi maganda ang binte at hita nito kung kaya’t kinailangan pang mag hire sila ng bagong model na siyang gagamitin para sa lower body shoot ng nasabing commercial.
Kung mapapanood mo ang commercial ni guwapitong actor na sikat na sikat ngayon ay hindi mo iisiping hindi niya binti at hita ang ipinakikita ngayon sa telebisyon na kung saan ay buong kisig nitong sinasabing masarap at masustansiya ang produktong may kinalaman sa mga de lata.
Gets nyo na ba kung sino ang actor na kung ano ang iginanda ng mukha at katawan ay siya namang ipinangit ng lower part ng katawan nito? Hehehehehe.
Reed na lang kayo between na lines. 
Tsuk!
Comments

MADALDAL NA CHARACTER ACTRESS, INIIWASANG KAUSAPIN NG MOVIE PRESS

9/20/2016

Comments

 
Nakakaloka as in nakakabaliw naman itong isang kilalang character actress dahil kung ang ibang artista ay tipid magsalita, itong si character actress ay sobrang daldal naman, dahilan kung bakit marami sa movie press ang ayaw na siyang kausapin.
Noong una akala namin ay tsika lang ang sobrang daldal ni aktres pero nitong huling lingo nang kausapin namin siya kasama ang ilan pang movie press ay aming napag alamang may katotohanan pala ang tsika. Isang tanong lang ang ibinigay ng lady reporter ay halos isang oras na siyang daldal nang daldal at wala pa ring patid ang kanyang pagkukuwento sa isang bagay na wala namang kuwenta.
Nagkakatinginan na ang movie press kung paanong puputulin ang topic pero sige pa rin sa kadadaldal si aktres kaya ang ginawa ng iba ay agad nagpaalam dahil sa totoo lang kung hindi mo aalisan si aktres ay tiyak na ikaw ay magsasawang pakinggan ang mga kuwento niyang wala namang kapararakan.
Say ng isang reporter, kaya daw ganun si aktres na ubod nang daldal kapag kinakausap ng movie press ay dahil bibihira lang itong mainterbyu at uhaw daw ito sa publisidad kaya naman kapag natatanong ay kung anu ano na lang ang pinagsasabi para lang humaba ang kuwentuhan.
Ang magandang aktres na sobrang daldal pero wala namang sense ang mga pinagsasabi ay galing sa Dos at ngayon ay nasa GMA 7 na. Maputi siya at may anak na sa asawang non-showbiz.
Ni Morly Alinio
Comments

ACTOR-POLITICIAN, BINALIBAG ANG CELLPHONE NG ISANG REPORTER

9/15/2016

Comments

 
Umiral na naman ang kamaldituhan ni actor-politician nang may isang reporter na lumapit at nagpa-picture sa kanya.
Palibhasa kaibigan ni actor-politician si reporter ay agad naman itong pumayag at nag pose pa nang bongga.
Maganda ang kinalabasan ng picture at buong pagmamalaking sinabi ni reporter, “Sir, ganda ng kuha natin o!”
Tinignan ni actor-politician at ngumiti siya at mukha namang natuwa sa kanyang nakita. Pero agad na inihagis sa mga diyaryo ang cellphone ni pobreng reporter sabay sabing “nanlilimahid”.
Hindi alam ni reporter ang kanyang magiging reaksyon. Hindi niya alam kung nagalit o hindi si actor-politician dahil sa cellphone niyang may kalumaan na in fairness ay mukhang nanlilimahid naman talaga.
Well, ang actor-politician na nambalibag ng cellphone ni pobreng reporter ay ang actor na malapit sa puso ni Maja Salvador.
E, sino naman yung reporter?
AKO!!!
Hahahahahahahaha!
Ni Morly Alinio
Comments

Pre-pageant ng isang Male search, nilangaw?

9/14/2016

Comments

 
Nakatanggap ng text message ang Showbiz Sosyal mula sa isang bubuwit patungkol sa katatapos lamang na pre-pageant ng isang Male Search na ginanap sa isang sosyal na bar sa may Pasay City.
Ayon sa aming bubuwit, 27-ang kandidata at apat dito ay naamoy niyang beki (dapat sa Mr. Gay World-Phils sila sumali), 15-ang press people (mostly bloggers & photogs), 12-judges at nasa mahigit-kumulang na 30 lamang ang mga guests na nanuod.
Dagdag pa ni bubuwit, "Walang tao sa bandang dulo", bagay na ikinagulat ng Showbiz Sosyal dahil ayon sa isang post sa FB ng isang Publicist ay maraming tao raw ang nanuod at punô ang venue.
Pinuri naman ng aming bubuwit na maganda ang presentation of candidates dahil magagara ang mga suits na isinuot ng 27-candidates.
Malapit na ang grand coronation ng nasabing Male Pageant at inaasahan ng media at publiko na magiging successful ito at mapupuno nila ang venue lalo pa't claim ng Organizer na meron silang 'Integrity & Credibility'.
Comments

    Archives

    December 2017
    September 2017
    April 2017
    January 2017
    December 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016

    Categories

    All

    RSS Feed

    RSS Feed Widget
ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
SocialPH​ | Copyright © 2021 | ​All Rights Reserved