Ni Morly Alinio Nakakaloka as in nakakabaliw naman ang nakarating sa aming balita. Minsan daw itong si kilalang mataray na aktres ay pinagmumura ng asawang sikat na sikat din, dahil sa pagiging palingkera ng aktres.
“Ganito kasi ‘yun, one time kasama ni aktres ang mga kaibigan niya. At sa pagkukuwentuhan nila ay parang napamura si aktres, na narinig ng asawang aktor. Ang sabi ni aktor kay aktres ay tigilan nito ang pagmumura at pagsasalita nang hindi maganda sa kapwa, e, kaso tuloy tuloy pa rin ang bibig ni sikat na aktres. “Dun nagalit si asawang aktor kaya tadtad ng ‘F…you!’ at ‘P…ina mo!’ si aktres. Nag iiyak si aktres habang nakikiusap na tigilan na ang pagmumura sa kanya.” Ayon sa aming source, likas na tahimik si aktor pero kapag nagalit pala ito ay lintik at hindi umuubra ang katarayan ng magandang asawa. “Kaloka, habang nagmamakaawa si aktres at sinasabing ‘Tama na, tama na…’ ay nakahawak siya sa hita ng asawa.” Feeling ng aming source, kung wala lang dun sa oras na iyon ang mga kaibigan ni aktres ay malamang muling nakatikim ng pananakit na pisikal si aktres na minsan isang panahon ay naintriga na dahil sa pa-English English niyang sablay naman sa grammar! Clue? Considered sila as ‘power couple’ sa showbizlandia! Tsuk! Ni Morly Alinio Kahit may edad na si guwapitong actor ay walang tigil pa rin ito sa pagpapa-booking at sa katunayan, kapag nababakante ang kanyang lamang lupa ay nagpapahanap pa ito ng mga baklang magpapaservice sa kanya.
Isa sa mga kasamahang reporter ang nagkuwento sa akin na personal daw siyang sinabihan ni guwapong actor na kapag may kilalang mayamang bading na nangangati ay agad daw siyang kontakin. Noon pa napapabalitang pumapatol kung kani-kaninong bading si actor kaya nabubuhay itong masagana kahit walang ginagawang pelikula pero kahit ganun ang “business” ni actor ay hindi ito naging malasado sa kanyang mga nagiging customer. “Sabi nga nung isang friend ko na naging customer niya, sobrang bango daw ni actor. Gagawin ka raw talagang babae sa kama pero hindi siya yung lumuluhod na tulad sa iba.” Kaya raw gawin ni actor na mapaligaya ang isang bading sa halagang 50 thousand pesos pataas at depende sa kanyang magiging role . “Actually, naalala ko nga one time habang kasama niya ang kanyang mag ina sa isang mall, may tumawag sa kanya na isang kliyente. Kaya ang ginawa niya dinala niya sa isang restaurant ang kanyang mag ina at saglitang nagpaalam siya dahil may biglaan daw siyang kakausapin. Yun pala yung mayamang kliyente niya kailangan ang kanyang lamang lupa. Kaya hayun, nagmamadaling pinuntahan ang mayamang bading. Lagare King yan 'day!” Kaya daw nang pagbalik ni actor sa kanyang mag iinang kumakain sa isang restaurant ay inip na inip na silang nag antay sa kanya. “Uwian na nung dumating si actor pero siyempre hindi niya sinabing nagpa-booking siya.” Tsuk! |