Ni Morly Alinio Hay naku, sino kaya itong guwapong actor na nagpunta sa massage parlor na kung saan ay hindi inaasahang matitipuhan nito ang guwapo at machong masahista.
Ganito ang kuwento. Hard massage ang gusto ni guwapong actor. Kaya sa isang lalaki siya nagpamasahe dahil natural na mabigat ang mga kamay nito na makakapagbigay relaxation sa hapong katawan ni actor. Habang minamasahe daw si actor ni masahista ay nakita ni masahista na “na-excite” si actor pero deadma lang dahil normal lang daw iyon sa kanilang trabaho at tutal pareho lang naman silang lalake. Pero nagulat daw si masahista nang mag request si actor. Pakimasahe din daw ang pagkalalaki niya. Nagulat ang masahista. Pero kasama sa trabaho iyon kaya pinagbigyan si actor. Pero ang hindi na kinaya ni masahista ay nung sinasagi-sagi na ni aktor ang kanyang bototoy, na sa simula ay iniiwas niya sa pag aakalang hindi sinasadya. May isa pang request si aktor na talagang hindi na pinagbigyan ng masahista dahil bawal sa kanilang gawin iyon. Ang actor na bida sa ating blind item ay madalas napapanood sa pang-hapong programa at katunog ng pangalan nito ang pangalan ng kontrobersiyal na baguhang actor na saksakan ng yabang. Ni Favatinni San PINAG-uusapan ang pagiging kuripot ng isang singer/aktor. Nuong bagu-bago pa lang siya sa syobis, una sa daigdig ng musika, nagsugal ang isang gay show producer sa kanya. Kahit may kontrata siya sa isang entertainment production, pinapayagan naman siyang umapir sa ibang mga shows. Naku, kahit baguhan lang siya, ang taas ng talent fee niya! Oo, guwapo at mahusay siyang singer kahit may garil ang pagsasalita niya ng Tagalog. Imagine, nuong nangailangan siya ng malaking datung, kinausap ni gay produ ang mga kaibigan niyang magbigay ng ‘advance galore’ sa mga future shows ng singer.
Ni Favatinni San SA isang umpukan, naging paksa ang ilong ng sikat na artista. Matalino ang discoverer niya, pinaghandaan ang pag-aartista kasama na ang baguhin ang kanyang personalidad. Puhunan ang kabuuan lalo na ang parte ng mukha. Since may smiling face siya, dapat bagayan ng matangos na ilong. E, malaki nga naman ang nagawa sa kanya. Nang umentra siya sa syobis, iba ang appeal niya sa telebisyon, gabi-gabi siyang napapanood. Hindi rin siya apektado sa kanyang speech defect. Sumabat ang isang gay writer, "Naku, di mo ba alam na retoke ang long-i as in "nose job." Sus, nuong nagsimula siyang pa-extra extra sa weekly TV series ay pango siya, no!" Nuong madiskubre siya, pinaayos ang kanyang ngipin at ilong ng kanyang gay talent manager. Presto, nailunsad siya bilang bida sa pelikula at marami ang nagwapuhan sa kanya. Keber kung bonsai siya, aba, marami ang humanga sa kanyang pag-arte at wala rin siyang kiyeme nuon sa paggawa ng mga sexy films. Kaya payo sa mga artista na nagsisimula pa lang sa syobis ay dapat nakahulma na ang inyong ganda. Sa true lang maraming artista ang nagparetoke as in produkto ng salamat po doktor pero iilan lang ang umamin. So what kung retokada nga naman....artista sila as in maarte sa katawan at dapat banidoso, period!.
Ni Morly Alinio Easy to get ang isang magandang aktres na kung ano ang ikinaganda pala nito ay siya namang inilandi nito sa mga boys. “Dyos ko, ‘day, halos lahat ng lalake na nakasama niyan, e, nakatikim na sa kanya. Yan ang totoong disenteng pokpok,” ayon sa aming source.
Yes, ang pagiging pokpok ni aktres ang dahilan kung bakit hindi ito nagkakaroon ng matagalang relasyon dahil kapag type niya ang isang lalake ay siya na mismo ang nagbibigay ng motibo. Ni Morly Alinio Nakakaloka as in nakakabaliw naman ang nakarating sa aming balita. Minsan daw itong si kilalang mataray na aktres ay pinagmumura ng asawang sikat na sikat din, dahil sa pagiging palingkera ng aktres.
“Ganito kasi ‘yun, one time kasama ni aktres ang mga kaibigan niya. At sa pagkukuwentuhan nila ay parang napamura si aktres, na narinig ng asawang aktor. Ang sabi ni aktor kay aktres ay tigilan nito ang pagmumura at pagsasalita nang hindi maganda sa kapwa, e, kaso tuloy tuloy pa rin ang bibig ni sikat na aktres. “Dun nagalit si asawang aktor kaya tadtad ng ‘F…you!’ at ‘P…ina mo!’ si aktres. Nag iiyak si aktres habang nakikiusap na tigilan na ang pagmumura sa kanya.” Ayon sa aming source, likas na tahimik si aktor pero kapag nagalit pala ito ay lintik at hindi umuubra ang katarayan ng magandang asawa. “Kaloka, habang nagmamakaawa si aktres at sinasabing ‘Tama na, tama na…’ ay nakahawak siya sa hita ng asawa.” Feeling ng aming source, kung wala lang dun sa oras na iyon ang mga kaibigan ni aktres ay malamang muling nakatikim ng pananakit na pisikal si aktres na minsan isang panahon ay naintriga na dahil sa pa-English English niyang sablay naman sa grammar! Clue? Considered sila as ‘power couple’ sa showbizlandia! Tsuk! Ni Morly Alinio Kahit may edad na si guwapitong actor ay walang tigil pa rin ito sa pagpapa-booking at sa katunayan, kapag nababakante ang kanyang lamang lupa ay nagpapahanap pa ito ng mga baklang magpapaservice sa kanya.
Isa sa mga kasamahang reporter ang nagkuwento sa akin na personal daw siyang sinabihan ni guwapong actor na kapag may kilalang mayamang bading na nangangati ay agad daw siyang kontakin. Noon pa napapabalitang pumapatol kung kani-kaninong bading si actor kaya nabubuhay itong masagana kahit walang ginagawang pelikula pero kahit ganun ang “business” ni actor ay hindi ito naging malasado sa kanyang mga nagiging customer. “Sabi nga nung isang friend ko na naging customer niya, sobrang bango daw ni actor. Gagawin ka raw talagang babae sa kama pero hindi siya yung lumuluhod na tulad sa iba.” Kaya raw gawin ni actor na mapaligaya ang isang bading sa halagang 50 thousand pesos pataas at depende sa kanyang magiging role . “Actually, naalala ko nga one time habang kasama niya ang kanyang mag ina sa isang mall, may tumawag sa kanya na isang kliyente. Kaya ang ginawa niya dinala niya sa isang restaurant ang kanyang mag ina at saglitang nagpaalam siya dahil may biglaan daw siyang kakausapin. Yun pala yung mayamang kliyente niya kailangan ang kanyang lamang lupa. Kaya hayun, nagmamadaling pinuntahan ang mayamang bading. Lagare King yan 'day!” Kaya daw nang pagbalik ni actor sa kanyang mag iinang kumakain sa isang restaurant ay inip na inip na silang nag antay sa kanya. “Uwian na nung dumating si actor pero siyempre hindi niya sinabing nagpa-booking siya.” Tsuk! Ni Morly Alinio Eksena ito sa isang soap opera na kung saan ay bida sina beteranang aktres at si guwapitong aktor.
Si beteranang aktres, na bata pa rin naman ang itsura dahil bukod sa sexy ito ay likas na maganda, ay ina sa soap ni guwapitong aktor na big winner ng isang reality show. Ang eksena sa soap, yayakapin ni aktres si aktor dahil iyak ito nang iyak. Yayakapin din siya ni aktor pero laking gulat ni aktres dahil habang sila ay magkayakap ay naramdaman nitong biglang tumayo ang pagkalalake ng binata. Damang dama daw ni aktres ang pagiging higante ng chairman ni binata kaya agad nitong sinabing ‘cut!’ kahit hindi naman siya ang direktor. Magagalit sana ang direktor kaya lang nung sabihin ni aktres ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang i-cut ang eksena ay natawa na lang si direktor dahil kitang kita niya ang alsadong alsadong pagkalalaki ni aktor na ang initial ay E. Sa halip na magalit si direktor ay natawa na lang ito at bigla umanong lumagkit ang tingin nito sa binatang nadala sa eksena nila ni magandang aktres. Hindi daw talaga mapigilan ni actor ang kanyang pagkalalake kahit ilang take ang gawin ay tayo nang tayo ang kanyang chairman sa tuwing magdidikit ang katawan nila ng aktres na kahihiwalay lang sa kanyang asawang action star kaya ang ending ay binago na lang ang eksena. Kaloka. Type ni aktor si aktres. Samantalang si aktor ay type na type naman ni direktor. Si aktor na bida sa ating blind item ay isang uri ng bonggang ibon samantalang ang pangalan naman ni aktres ay may kinalaman sa mga kumikinang. Huh! May isang commercial model na hindi pa ganun kalaki ang pangalan sa mundo ng rampahan ang kinuha ng isang malaking kumpanya. Hindi alam ni actor kung para saang produkto ang gagawin niya dahil ang pinirmahan niyang kontrata ay katawan lang niya ang gagamitin sa nasabing produkto.
Ten thousand pesos ang talent fee ni ramp model pero bale six thousand na lang ang malinis na napunta sa kanya dahil sa kaltas ng kanyang manager at dun sa taong nag endorse sa kanya. Almost one day shooting din ang ginawa ni ramp model na kung saan ay puro lower back niya lang ang kinukunan na ok lang din naman kasi iyon naman ang usapan pero ang kinaloka niya ay nang mapanood niya ang ginawa niyang commercial, ang kanyang binte at hita ay ginamit para sa isang commercial na ang endorser ay isang kilalang youngstar. Chicken legs pala si guwapitong sikat na actor, meaning, hindi maganda ang binte at hita nito kung kaya’t kinailangan pang mag hire sila ng bagong model na siyang gagamitin para sa lower body shoot ng nasabing commercial. Kung mapapanood mo ang commercial ni guwapitong actor na sikat na sikat ngayon ay hindi mo iisiping hindi niya binti at hita ang ipinakikita ngayon sa telebisyon na kung saan ay buong kisig nitong sinasabing masarap at masustansiya ang produktong may kinalaman sa mga de lata. Gets nyo na ba kung sino ang actor na kung ano ang iginanda ng mukha at katawan ay siya namang ipinangit ng lower part ng katawan nito? Hehehehehe. Reed na lang kayo between na lines. Tsuk! Nakakaloka as in nakakabaliw naman itong isang kilalang character actress dahil kung ang ibang artista ay tipid magsalita, itong si character actress ay sobrang daldal naman, dahilan kung bakit marami sa movie press ang ayaw na siyang kausapin.
Noong una akala namin ay tsika lang ang sobrang daldal ni aktres pero nitong huling lingo nang kausapin namin siya kasama ang ilan pang movie press ay aming napag alamang may katotohanan pala ang tsika. Isang tanong lang ang ibinigay ng lady reporter ay halos isang oras na siyang daldal nang daldal at wala pa ring patid ang kanyang pagkukuwento sa isang bagay na wala namang kuwenta. Nagkakatinginan na ang movie press kung paanong puputulin ang topic pero sige pa rin sa kadadaldal si aktres kaya ang ginawa ng iba ay agad nagpaalam dahil sa totoo lang kung hindi mo aalisan si aktres ay tiyak na ikaw ay magsasawang pakinggan ang mga kuwento niyang wala namang kapararakan. Say ng isang reporter, kaya daw ganun si aktres na ubod nang daldal kapag kinakausap ng movie press ay dahil bibihira lang itong mainterbyu at uhaw daw ito sa publisidad kaya naman kapag natatanong ay kung anu ano na lang ang pinagsasabi para lang humaba ang kuwentuhan. Ang magandang aktres na sobrang daldal pero wala namang sense ang mga pinagsasabi ay galing sa Dos at ngayon ay nasa GMA 7 na. Maputi siya at may anak na sa asawang non-showbiz. Ni Morly Alinio Umiral na naman ang kamaldituhan ni actor-politician nang may isang reporter na lumapit at nagpa-picture sa kanya.
Palibhasa kaibigan ni actor-politician si reporter ay agad naman itong pumayag at nag pose pa nang bongga. Maganda ang kinalabasan ng picture at buong pagmamalaking sinabi ni reporter, “Sir, ganda ng kuha natin o!” Tinignan ni actor-politician at ngumiti siya at mukha namang natuwa sa kanyang nakita. Pero agad na inihagis sa mga diyaryo ang cellphone ni pobreng reporter sabay sabing “nanlilimahid”. Hindi alam ni reporter ang kanyang magiging reaksyon. Hindi niya alam kung nagalit o hindi si actor-politician dahil sa cellphone niyang may kalumaan na in fairness ay mukhang nanlilimahid naman talaga. Well, ang actor-politician na nambalibag ng cellphone ni pobreng reporter ay ang actor na malapit sa puso ni Maja Salvador. E, sino naman yung reporter? AKO!!! Hahahahahahahaha! Ni Morly Alinio |